![]() |
![]() |
Pamumuhay sa |
Pag-iwas sa Paninigas ng Tubig sa TuboSa panahon ng mahabang taglamig sa Iwate, may mga araw na ang tempetatura ay bababa at ito’y mas mababa pa sa sero, at ang tubig sa mga tubo ay maaaring titigas sa magdamagan. Upang ito’y iwasan, kailangan mong tanggalin ang lahat ng tubig sa loob ng tubo sa pangunahing balbula kung saan pumapasok ang tubig. Ang pangunahing balbula ay maaaring nasa loob o labas ng iyong apartment. Ang pinakamabuting gawin ay tingnan kung saan ang mga balbulang ito bago pa man dumating ang taglamig. Maaari ring itanong ito sa may-ari ng bahay.May mga gamit na de-kuryente na nagpapanit sa mga tubo ng tubig na pwede mong ikabit sa mga tubo para iwasan ang paninigas ng tubig, at may ilang mga apartment na mayroon na ng mga ito. Gayon man, sa panahon na talagang malamig na malamig, ang mga gamit na ito ay hindi sapat at kalaingan talagang tanggalin ang tubig sa loob ng tubo. Kung ang tubig sa loob ng tubo ay titigas, maaari itong pumutok kung hindi ito maasikaso kaagad. Para tunawin ang naninigas na tubig sa tubo, balutin ang tubo ng tuwalya at dahan-dahang ibuhos ang manit na tubig sa tubo. Maaari ring ng tumawag sa opisina ng pagpapatubig at ipagawa ito sa kanila (ito ay may bayad). |