Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamumuhay sa
Iwate

Pagpapakabit

Pagbabayad

Sistema ng imburnal

Pag-iwas sa Paninigas ng Tubig sa Tubo

Pagpapaputol ng serbisyo

Karamihan sa tubig sa mga kabahayan ng Iwate ay galing sa mga ilog na isa sa mga bumubuo ng kalikasan. Ang tubig dito ay masarap at may mataas na kalidad.

Ang pagbabahagi ng tubig ay ginagawa ng sangay ng pagpapatubig sa bawat minisipyo o bayan.

Pagpapakabit

Kadalasan pinuputol ang supply ng tubig kung umaalis sa inuupahan tulad ng apartment. Kaya bago lilipat sa iyong bagong tirahan ay kailangang ayusin ang pagpapakabit ng tubig. Para magawa ito, kailangang tawagan ang lokal na opisina ng pagpapatubig kahit mga apat o limang araw bago lilipat at ibigay sa kanila ang mga datalye ng iyong tirahan at kung kailan ka magpapakabit. Kahit na may tubig sa iyong bagong tirahan kailangan pa ring ipagbigay-alam sa kamila ang pagpapakabit. May makikita kang paskard na nakakabit sa isa sa mga tubo ng iyong tubig, ang paskard na ito ay para sa aplikasyon, silatan ito at ipadala sa opisina ng pagpapatubig.