![]() |
![]() |
Pamumuhay sa |
|
Paglalagda ng Kontrara para sa Pag-uupa ng Matutuluyan Pagpapawalang-bisa ng Kontrara Pagpapaayos at Pagbabago ng Apartment |
PaglilipatBago ka lilipat sa bago mong bahay, kailangan mong isaayos ang mga kinakailangang kagamitan tulad ng electrisidad, tubig at gas para ito ay makabit. May mga partikular na kompanya ng kagamitan ang iyong inuupahan, kaya pakitawagan ang mga kompanyang ito para kayo ay makabitan sa araw ng iyong paglipat.Babayaran mo ang mga kagamitang ito. Karaniwan sa pagbabayad ng mga ito ay ang direstong pagbawas sa iyong account sa bangko o pagbabayad sa bangko (>>Maglipat ng Salapi Gamit ang Bangko, >>Direct Debit). Kung hindi ka nakakabayad, maaaring putulin nila ang kanilang serbisyo. Sa pag-alis naman sa iyong inuupahan, kailangan mo uling tawagan nang maaga ang mga kompanya ng mga kagamitan para itigil ang kanilang serbisyo at bayaran ang natitirang bayarin. Ang mga tauhan ng mga kompanya ng kagamitan ang pupunta sa iyong lugar sa araw ng iyong pag-alis. Kapag hindi mo natawagan ang mga kompanyang ito ay patuloy na babayaran ang mga kagamitang ito. May paglalataon din na ang may-ari ang tumatawag sa mga kompanyang ito, kaya dapat mo itong tingnan. Kung may mga kasangkapan kang kailangang ding ilipat, may mga kompanyang gumagawa nito o pwede kang mag-arkila ng isang trak at ilaw na ang maghahakot.
|