|
Paghahanap ng Apartment
Paglalagda ng Kontrara para sa Pag-uupa ng Matutuluyan
Pagbabago ng Kontrara
Pagpapawalang-bisa ng Kontrara
Pagpapaayos at Pagbabago ng Apartment
Pagpapaupa ng Inuupahan
Pabahay ng Probinsiya
Pabahay ng Munisipalidad
Pagpapalaganap ng pabahay para sa mga Manggagawa
Paglilipat
Mga gamit na dakuryente
Pagpapainit sa loob ng bahay
|
Paghahanap ng Apartment
Isa sa mga una mong mga gagawin sa pagdating mo sa Iwate ay ang paghahanap ng matutuluyan. Karamihan sa mga nagsasanay (trainees), mag-aaral at tagapagsaliksik, ang institusyong nag-anyaya sa inyo ang mag-aayos. May maraming mga paraan para dito (na nakasulat sa ibaba) ngunit ang karaniwang paraan ay paggamit ng isang ahensya ng paupahan o real estate agency.
◆Ahensya ng Paupahan ng mga Ari-arian (Real Estate Agency)
Halos lahat ng mga lungsod at bayan ay may isa man lang real estate agency na namamahala ng mga ari-arian na pina-uupahan. Bawat agency ay may iba’t ibang ari-arian na pinamamamhalaan kaya mas mabuti na mahigit sa isang agency ang iyong puntahan pala mas marami kang pagpipilian. Kapag ikaw ay nakapirma na ng kontrara para sa isang ari-arian, kailangan magbayad sa agency para sa serbisyo ng pagpapakilala(>>Paglalagda
ng Kontrara para sa Pag-uupa ng Matutuluyan).
◆Magasin at iba pa
May mga iba’t ibang magasin at lokal na pahayagan na naglalathala ng mga impormasyon tungkol sa mga pina-uupahan.
◆Pagpapakilala ng Unibersidad
Maraming mga kolehiyo at unibersidad ay may sariling listahan ng mga pwedeng upahan ng mga-aaral para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang mga paupahang ito ay may kasamang pakinabang tulad ng magandang lugar at paligid, o mas mura ang upa.
|
|