Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamumuhay sa
Iwate

Pagpapakabit

Pagbabayad

Pag-iwas sa Pagtagas ng Gas at Pagkalason sa Carbon Manoxide

Pagpapaputol ng serbisyo

May dalawang uri ng gas, city gas at ang propane gas. Ang city gas ay makukuha sa mga lugar na may mga tubong nakakabit sa mga koneksyon ng city gas; sa ibang mga lugar, propane gas ang ginagamit. Ang propane ay linalagay sa mga tanke na katabi ng iyong bahay, o sa isa sa mga malalaking tanke na nagbibigay ng gas sa isang lugar.

Dahil sa magkaiba ang kemikal na komposisyon at kalidad ng pagpapainit, hindi maaaring gumamit ng magkatulad, na kasangkapan para sa city gas at propane gas. Sakaling bibili ng kagamitan, tiyakin kung anong uri ng gas ang ginagamit. Kung sakaling ang iyong kasangkapan ay hindi bagay sa gas, maaari itong ipaayos sa nagtitinda nito, ngunit mas ligtas kung bibili ng bagong kasangkapan.

Ang pagsupply at pagpapanatili ng city at propane gas ay ginagawa ng mga tinakdang kompanya ng gas (ang konpanya ng city gas para sa city gas; at ang ahensya na nagtitinda ng propane gas para sa propane). Ang mga kompanyang ito ay may hawak na pambansa at panlalawigang lisensya.

Pagpapakabit

Kung gustong gagamit ng gas, kailangang tawagan ang kompanya ng city gas o ang ahensya na nagtitinda ng propane nang mas maaga (kahit man lamamg isang araw), at sila ay pupunta sa iyong tinitirahan upang kabitan.