Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamumuhay sa
Iwate

Pagpapakabit

Pagbabayad

Pag-iwas sa Pagtagas ng Gas at Pagkalason sa Carbon Manoxide

Pagpapaputol ng serbisyo

Pag-iwas sa Pagtagas ng Gas at Pagkalason sa Carbon Manoxide

Para maiwasan ang pagtagas ng gas, imimungkahi naming gumamit ng alarm ng pagtagas. Maaaring makabili o maka-arkila nito sa mga kompanya at ahensya ng gas. Ang halaga ng pag-arkila ay magkaiba ayon sa pagkagawa ng detektor ng gas.

Kung may mapansin (maamoy) na pagtagas ng gas, kailangang isarado aged ang pangunahing balbula, at buksan ang mga bintana at pintuan para maraming makapasok na sariwang hangin. Tawagan ang konpanya ng gas.

Ang pagtagas ng gas at hindi kumpletong pagkasunog ng gas ay sanhi ng mapanganib na aksidente, kaya mahalaga ang madalas na pagpapa-check ng mga kasangkapan ng gas sa mga kompanya ng gas at nagktitinda ng kasangkapan at ayusin ito kung kinakailangan. Kailangan makapasok ang sariwang hangin sa iyong apartment. Pakitingnan din kung may pagtagas ng gas ang mga bago o lumang kasangkapan na iyong binili o natanggap, bago ito gamitin.