Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Pamumuhay sa
Iwate

Pagpapasimula ng serbisyo

Pagbabayad

Pagpapaputol ng serbisyo

Ang Tohoku Electric Power Co., Inc. (Tohoku Denryoku) ay ang nag-iisang nagbibigay ng kuryente dito sa Iwate, kaya kailangan magkaroon ng kontrata sa kompanyang ito para magkaroon ng kuryente.

Pagpapasimula ng serbisyo

Sa iyong paglipat, kailangan tawagan ang pinakamalapit na sangay at ibigay ang [tirahan (lugar na gagamitin ang kuryente)] [pangalan (pangalan ng taong ilalagay sa kontrata)] [ang araw ng (nais) pagumpisa ng paggamit] [ang nais na dami ng ampera] [paraan ng pagbayad ng singil sa kuryente]. Ang kompanya na ang magpapatuloy sa lahat na kinakailangang gawin. (Kahit na hindi magawa ito, maaaring pakiusapan ang taong nagbabasa ng metro na pumupunta buwan-buwan.) Para i-switch on ang kuryente, kailangan mo lang i-switch “ON” ang circuit breaker (kadalasan ito ay nasa pasilyo o sa kusina). Kung sakaling hindi magamit ang elektrisidad kahit naka “ON”, pakitawagan ang Tohoku Denryoku.

Pagbabayad

Maaaring bayaran ang kuryente sa pamamagitan ng pagbawas sa iyong account sa bangko o diretsong pagbayad sa bangko (bank transfer) (>>Maglipat ng Salapi Gamit ang Bangko)sa sandaling matanggap na ang singil sa elektrisidad. Ang pagbasa ng [recibo ng paggamit ng kuryente]

Pagpapaputol ng serbisyo

Kung alam mo na kung kailan ka aalis sa iyong tinitirahan, kailangan tawagan ang Tohoku Denryoku kahit mga limang araw bago aalis. Sa araw ng iyong pag-alis, isang elektrisyan ang tatawag para putulin ang kuryente at sisingilin ang natitirang babayarin.

[Call Center ng Tohoku Denryoku]

Para sa paglipat at pagpalit ng dami ng ampera : 0120-175-266
-M~F Mula alas-9 ng umaga ~ alas-8 ng gabi (malibas sa pulang araw, umpisa at huling araw ng taon)
-S Mula alas-9 ng umaga ~ alas-5 ng hapon ( malibas sa pulang araw, umpisa at huling araw ng taon )

Para ipagbigay-alam ang pagkawala ng kuryente: 0120-175-366
-Normal na araw man o pulang araw, tumatanggap ng tawag 24 oras araw-araw.

Para sa iba pang pagbigay-alam : 0310-175-466
-M~F Mula alas-9 ng umaga ~ alas-8 ng gabi (malibas sa pulang araw, umpisa at huling araw ng taon)
-S Mula alas-9 ng umaga ~ alas-5 ng hapon (malibas sa pulang araw, umpisa at huling araw ng taon)