Gabay ng mga Dayuhan sa Pamumuhay sa Iwate

Tungkol sa Iwate

Pagpunta sa Iwate

Heograpiya

Mga Rehiyon o Lugar

Klima

Klima

Karaniwan, malamig ang klima sa Iwate, Bagamat minsan ang temperatura sa panahon ng tag-init (summer) ay lumalagpas nang 30ºC, hindi naman ito nagtatagal. Ang hilagang baybayin na bahagi ay kadalasang nagkakaroon ng makakapal na ulap o hamog na tinatawag na yamase, kaya kahit na sa panahon ng tag-init, may mga araw na ang temperatura ay hindi tumataas.

Ang panahon ng taglamig (winter) na panahon din ng pagyelo ay nagsisimula sa Nobyembre hanggang Marso, ngunit maliban sa mga lugar na malapit sa hanay ng mga bundok ng Ou, hindi masyadong marami ang yelo. Gayunman, ang temperatura ay bumababa nang mas mababa pa sa 0ºC, kaya kailangang mag-ingat sa paninigas ng tubig sa mga tubo at iba pa (>> Pag-iwas sa Paninigas ng Tubig sa Tubo).

[Average Temperatures in Iwate]

[Average Temperatures in Iwate]

[Annual Precipitation in Iwate]

[Annual Precipitation in Iwate]